Usap

Nahihiyang umpisahan
Di alam kung maguunahan
May maglalakas loob na isa
Hanggang sa sila’y mabibitin na

Marahil puro’y biro
Ngunit sa utak ay detalyado
Kunwari ‘di nakikinig
Ngunit sa puso’t isip nakaukit

Saan tayo dadalhin?
Ng ganitong damdamin
Sana’y mas mahaba pa
Yung tipong kilalang-kilala na

ika-12 ng Hulyo taong 2016
image from: https://www.haikudeck.com/germany-education-presentation-5Ey7CluvX4

Leave a comment