Wait, wait, wait.

Habang nagdedevotion ako kanina sa book ng 2 Samuel 17-19 (yun ang nakaplano na babasahin for our PEPSOL training) isang verse ang nagkaimpact sa akin.

2 Samuel 18:30: “Wait here,” the king told him. So Ahimaaz stepped aside. (NLT)

Especially yung two words lang talaga. WAIT and HERE.

I keep asking myself why I need to wait sa mga bagay na pinapanalangin ko? Nagseserve naman ako ng tuloy-tuloy? Nasa training naman ako? WHY I NEED TO WAIT? Hindi ba puwedeng ibigay na lang agad yun ng Lord pagkapray ko? Maiksi kasi ang patience ko sa mga bagay-bagay especially in waiting.

But God told me that I NEED TO WAIT BECAUSE…

  • There’s a perfect time for everything

Parang sa biyahe ng train may tamang oras ang dating nila sa mga station. Sige nga, kung sabay sabay silang dumadating e di nag-collide na ang mga trains? Although late ang dating minsan ng mga trains may reason yun, same as in our lives. All things work together for good.

Parang sa pagluluto, may tamang tiyempo ng oras para maging masarap ang niluluto. Kapag minadali mo ang luto tiyak na hilaw yan at hindi makakain, sayang lang. You need to wait para mas mag-enrich ang pagkain and para mas masarap at malinamnam siya. Same in our lives, pag pinipilit at hindi naantay ang tamang season hindi masaya, hindi sweet.

  • God wants me to serve Him more and more

Kulang pa yung effort and sacrifice ko para ma-glorify pa. More and more pa… Ilang buwan palang ikaw sa ministeryo, ilang buwan ka palang sa pagdidisciple nag-eexpect ka na agad ng blessings? Hmmm. Remember, yung ginawa na sacrifice ni Jesus Christ sa cross hinding-hindi ko yun mapapantayan.

  • Gusto niya READY and CAPABLE na ako sa pagdating ng bagay na inaantay ko

Parang ganito yan eh.. Kung ibigay agad ng Lord yung inaantay mo tapos hindi ka pa pala handa at capable e di nasayang lang ang blessings? Parang nagpupuno ka ng tubig sa butas na pitsel, natapon lang. Hindi hahayaan ng Lord na masayang yun, dahil para sayo nga ‘yun ehh tapos masasayang lang? We can be ready and capable if we’re continously serving, seeking and loving Him. Itatama Niya ang puso, isip, espiritu at pagkatao mo para pag dumating na yung bagay na yun, all set na 😊

Huwag mainip sa mga pinapanalangin. Malapit na yun, malapit na..

Tinignan ko ‘yung meaning ng salitang waiting sa Merriam-Webster Dictionary ko na application. And here it is…

  • To stay in a place until an expected event happens, until someone arrives, until it is your turn to do something, etc.

Saan yung place na yun? Sa presence ng Lord syempre.

While I’m sa pagdating ng mga pinapanalagin ko dapat pala stay lang ako sa presensiya Niya. Stay lang ako sa kung ano na yung ginagawa ko. Stay lang sa pagseserve.

Pero hindi ibig sabihin maging stagnant ka naman. Staying in His presence na may kasamanag fruitfulness and yung pag stay mo na lumalago ka.

Parang pag bumili ka ng bahay dapat unti-unting nalalamanan. Dapat unti-unti din siyang umaayos. Dapat unti-unti din siyang gumaganda kahit na nakastay lang siya sa isang lugar.

  • To not do something until something else happens

Ano yung hindi mo dapat gawin hangga’t hindi pa dumadating yung perfect time ng Lord?

Yung mag-turn back pa sa Kaniya. Yung gumawa pa ng mga bagay na masasaktan Siya. Yung mga bagay na ikalulungkot Niya. Kasi baka imbes na dumating na yung inaantay mo eh mas lalo lang madelay ang masakit pa dun hindi na dumating at all.

Remove all the negative things na makakapag alis sa’tin sa pagstay sa presence Niya. Kung nakagawa ka man sa una, confess it and surrender. Our God is faithful God. Papatawarin ka Niya, repentant and humble heart lang ang sagot diyan.

  • To remain in a state which you expect or hope that something will happen soon

Dito na pumapasok ang salitang FAITH.

Hebrews 11:1 – Faith is the confidence that what we hope for will actually happen; it gives us assurance about things we cannot see. (NLT)

Paniwaalaan mo ng darating yang inaantay mo kahit hindi mo pa nakikita 😊 Walang imposible sa ating Diyos kaya hindi masama ang mangarap ng malaki. Kasi for sure tutuparin yan ng Lord basta faithful din tayo sa Kaniya. Napakalaki ng ating Diyos para sa ating pinapanalangin. Antay lang, antay lang…

Kaya we should learn to wait in everything…

Isaiah 40:31: But those who wait on the LORD Shall renew [their] strength; They shall mount up with wings like eagles, They shall run and not be weary, They shall walk and not faint. (NKJV)

Be patient 😊 For greater things are yet to come for those who wait.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s