Hanggang….

Napapagod na ako…

Sambit ng aking puso na tila gusto ng sumapit sa dulo

Gusto kong magpahinga
Gusto kong mapagisa

Bakit ba kasi may mga panahong kailangan kang subukin sa alam naman nila kung saan ka mahina?

Hindi pa ba sapat ang lahat ng aking nagawa?
Hindi pa ba tama na ako’y nagbigay ng oras para sa kanila?

Tingin ko’y di sapat
Tingin ko’y walang kinahantungan

Puwede bang ako naman?
Puwede bang yung akin na muna?

Bakit hindi ba maaring mapangyari yung matagal ko ng pinapangarap?
O hanggang imahinasyon na lang ang lahat

Ginawa ko naman ang sa tingin ko’y tama
Ginawa ko naman ang lahat ng makakaya

Pero…
Baka…

Kabayaran siguro ‘to ng mga takot at pagtataka na ginawa ko noon
Bunga siguro ‘to ng mga kasalanan ko

Pinaparusahan na ako

Parusang kay sakit sa pakiramdam

Yung gusto kong isigaw ngunit hindi maari

Dahil ang alam nila’y ikaw ay nasa igi

Na alam nilang ayos ka
Na alam nilang malakas ka
Na alam nilang matataga ka

Ngunit…

Akala nila maayos ang kalagayan ko
Akala lamang ‘yun

Sa bawat ngiti at tawa
Puso ko’y sumisigaw at nag-iiyak na sa kalungkutan

Na sa bawat bati ay ang puso ko namang wasak na wasak

Sana mabuo na
Sana…

Hindi ba puwedeng matapos na ‘to?

Na sa pagmulat ng aking mga mata bukas
Natupad na yung mga ‘yun?

O baka…

Hanggang banggit na lang ako ng sana
Hanggang tingin na lang ako sa kinahantungan nila?

Na habang ako
Patuloy na ginugumon ng lungkot…..
…..Ng sama ng loob
…..Ng sakit ng dibdib
…..Ng wasak na wasak na puso

Alam kong maling kuwestiyunin ka
Alam kong mali ‘tong mga sinasambit ko

Pero hanggang saan ako dadalhin ng pagsunod ko?

Hanggang kailan ako magpapakagumon sa nararamdaman ko?

Alam kong nadidinig mo ako

Sana…

Sana…

ika-22 ng Hulyo taong 2016
featured image from: https://www.pinterest.com/tinachapman3/butterflies/
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s