Tingala

Nalilito ka?
At naguguluhan pa?
Siya’y ‘yong tignan

ika-30 ng Agosto taong 2016
featured image from: https://www.pinterest.se/lopeskari/hiraeth/
Advertisements

Salamat…

Sa pagpapako sa krus ng kalbaryo
Sa pagtiis sa latay ng mundo
Sa paglakad ng malayo ‘nung araw na iyon
Na tila’y sayo ay di umayon

Sa pagahon sa’kin sa lusak
Sa pagyakap sa’king nakaraan
Sa pagtanggap sa kung ano ako
Kahit sa tingin ng mundo’y kay gulo

Sa pagkakakilala
Sa pagkakaengkwentro
Sa pagkakausap
Na sa mata’y nila ay imposible

Sa pagbabago ng aking buhay
Sa walang sawang pag-ibig
Sa napakatamis na mga biyaya
Na siksik, liglig at umaapaw pa

Sa pagbibigay ng disipulo
Sa pagkakatiwala ng ministeryo
Sa pag-aaral ng salita Mo
Na kahit pagod ay nakakaya ko

Hindi ko na nais itong tapusin pa
Dahil pasasalamat ko’y mahaba pa
Kulang ang lahat ng salita
Masabi galak ng puso kong minamahal mo pa

ika-10 ng Agosto taong 2016
featured image from: https://www.pinterest.com/pin/452471093794268638/

When God told you to that thing

May mga pagkakataong sinasabihan na tayo ng Lord na gawin natin yung mga bagay na ayon sa napakaganda Niyang plano sa buhay natin but minsan nireresist pa natin yung mga bagay na yun. We keep on making ways para umiwas pa dun. Na ang kulit kulit na natin sa kakatago sa Kaniya mangyari lamang yung gusto natin kumpara sa mga gusto Niya.

Diba? Ang gusto lang naman ng Lord is MAPABUTI tayo? Gusto Niyang LUMAGO pa tayo bilang anak Niya? Gusto Niya ay mangyari yung mga PLANO niya sa buhay natin?

Minsan kasi iniisip natin na hindi sa ikabubuti natin ‘yung plano Niya. Iniisip kasi natin na ang hirap nung pinapagawa ng Lord sa’tin. And minsan iniisip natin na ang hindi natin yun mapagtatagumpayan.. Napapangunahan na tayo ng fear, doubt and discouragements kaya nagte-take tayo ng ibang track.

May pagkakataon pa na ‘yung pinapagawa ng Lord sa’tin salungat sa plano natin and salungat sa kung ano ‘yung nakikita natin sa mundo. Pero kung magbabase tayo sa kung ano ang nakikita natin ngayon and magbabase tayo sa sitwasyon natin mabibigo at mabibigo tayo. Pero wala tayong ibang dapat gawin SUMUNOD, MAGTIWALA at MANAMPALATAYA. (Mula sa nag-advice sa’kin)

  1. SUMUNOD – Wala namang masama sa pagsunod sa TAMA di’ba? Minsan pa nga may pagkakataon ng buhay natin na nagsasakripisyo tayo para sa hindi magandang bagay kahit mahirap tinitiis at sinusuong natin. Pero pag sa tamang bagay na, ang dami ng reklamo? Ang dami ng if’s and but’s. Wala namang mawawala sa pagsunod mo sa tama, magkakaroon ka pa 😊
  2. MAGTIWALA – As we continue following Jesus, dapat nandun din ang trust. Tandem silang tatlo. Hindi puwedeng sunod ka lang ng sunod at hindi puwedeng hyperfaith lang. Kailangan ng tiwala sa Diyos. Na kahit anong mangyari, maganda man or hindi ang sitwasyon natin ngayon. Patuloy pa din dapat tayong magtiwala kasi sa dulo nakaabang na sa’tin ang napakagandang price ng Lord.
  3. MANAMPALATAYA – Na kahit hindi pa natin nararanasan yung mga magagandang plano ng Lord dapat maging ASSURE na tayo na it all end well. It all end perfectly.

Tandem sila ha? Hindi puwedeng may mawalang isa  😊

When God told you to do that thing….

DON’T RESIST – Huwag na huwag tatanggihan or babaligtarin ang sinasabi ng Lord sa’tin. Masakit man at first but we need to follow. Hindi tayo hahayaan ng Diyos na mapahamak.

ACCEPT IT – Especially pag mga correction na mula sa Lord and sa mga leaders natin. Tanggapin ito ng may humble spirit and changeable heart.

DO IT WHOLEHEARTEDLY – Kung ano man ang sinabi ng Lord. Dapat gawin natin ito ng may buong puso, isip, kaluluwa at buong lakas. Do it for His glory. Gawin ang mga bagay na sinasabi ng Lord sa’tin ng all out and sold out and without reservations.

“When a train goes through a tunnel and it gets dark, you don’t throw away the ticket and jump off. You sit and trust the engineer. Trust God today, no matter how dark your situation. God says, “you are coming out.” – Christine Caine

“Every great story has a great conflict that’s been overcome.”

ika-3 ng Agosto taong 2016
featured image from: https://www.pinterest.com/pin/528821181221807232/