Salamat…

Sa pagpapako sa krus ng kalbaryo
Sa pagtiis sa latay ng mundo
Sa paglakad ng malayo ‘nung araw na iyon
Na tila’y sayo ay di umayon

Sa pagahon sa’kin sa lusak
Sa pagyakap sa’king nakaraan
Sa pagtanggap sa kung ano ako
Kahit sa tingin ng mundo’y kay gulo

Sa pagkakakilala
Sa pagkakaengkwentro
Sa pagkakausap
Na sa mata’y nila ay imposible

Sa pagbabago ng aking buhay
Sa walang sawang pag-ibig
Sa napakatamis na mga biyaya
Na siksik, liglig at umaapaw pa

Sa pagbibigay ng disipulo
Sa pagkakatiwala ng ministeryo
Sa pag-aaral ng salita Mo
Na kahit pagod ay nakakaya ko

Hindi ko na nais itong tapusin pa
Dahil pasasalamat ko’y mahaba pa
Kulang ang lahat ng salita
Masabi galak ng puso kong minamahal mo pa

ika-10 ng Agosto taong 2016
featured image from: https://www.pinterest.com/pin/452471093794268638/
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s