Para sayo

Kumusta ka?

Gusto kitang pasalamatan ng sobra. Nang dahil sayo natuto ako ng maraming bagay. Ginamit ka ng Diyos para marami akong dapat pang tandaan at mapagtanto pa sa buhay kong ito.

Nakakahanga ka! Nakakahanga na patuloy kang lumalago sa Panginoon.

Nakakahanga ka! Dahil patuloy kang nagpapagamit sa Kaniya.

Nakakahanga ka! Dahil hindi mo hinayaan ang sarili mo na madala ng kung anumang pinagdadaanan at napagdaanan mo na.

Nakakahanga ang Panginoon sa buhay mo.

Aaminin ko na may pagkakataong nadadala ako ng emosyon sa nararamdaman ko sayo. Pag may hindi ko gusto sa mga nagiging aksyon mo nalulungkot ako, nasasaktan hanggang sa maiiyak pa. Nawawala ako sa direksiyon. Mukhang naligaw na ata ako.

Hindi tama ‘yun, alam ko. Kaya’t napagdesisyunan kong alisin kung ano man ‘tong nararamdaman ko. Binigay ko lahat sa Diyos.

Kasi alam kong maaga pa. Hindi pa ‘to ang tamang oras. Marami pang gagawin ang Panginoon na magpapalago sa’kin. Alam kong maraming pang babaguhin sa kung ano ako noon sa kung ano ako ngayon. Marami pa…

Masakit man sa una ngunit habang tumatagal natutuwa ako dahil alam ‘kong may perpektong plano sa’kin ang Diyos. Sa kung magiging ano ang hinaharap ko. Sa kung sino ang ibibigay Niya sa’king makakasama ko. Ikaw man ‘yun o hindi alam ko na alam mo rin na magiging maligaya tayo sa kung sino ang ibibigay Niya sa’tin, sa tamang panahon.

Tanging panalangin ko sa Kaniya na pag dumating yung pagkakataong ‘yun, handa na ‘ko bilang anak Niya, sa lahat ng aspeto. Na mas malago na ‘ko kumpara noon. Mas matindi ang apoy ‘ko kumpara sa kahapon.

Alam ‘kong dadating na ‘yun, antay lang, kapit lang.

Salamat sa lahat ng alaala mula sayo.

Hanggang sa muli.

ika-12 ng Nobyembre taong 2016
featured image from: http://phoenix-theme.tumblr.com/
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s