Kapit lang

Kung saan ka mahina dun ka papalakasin ng Diyos.

Hindi Niya hahayaan na ‘yang kahinaan mo ang maging dahilan para bumagsak ka, tumalikod o tumigil sa paglilingkod sa Kaniya.

Papalakasin ka Niya.

Basta hindi lang tayong mapapagod na kumuha ng lakas sa Kaniya.
Hindi titigil na umahon kahit ilang beses ka pang bumagsak.
Hindi rin titigil sa paglilingkod sa Kaniya.

Nasa atin pa din ang kalayaang piliin ang daan na ating tatahakin.
Binigyan Niya tayo ng kalayaan na pumili sa ating mga nais o gusto.

Sa kabila nito, mas magandang pumili tayo ng daan na tiyak na makakalugod sa Kaniya.

Daan na alam mong kasama mo Siya.
Daan na alam mong protektado ka ng dakila Niyang ngalan.
Daan na alam mong may pagdadaanan mang mga pagsubok pero sa dulo makikita mo ang katagumpayan.

Dahil alam nating sa Kaniyang muling pagbabalik isang matamis na yakap ang maasam natin sa Kaniya.

At Siya’y magwiwikang, “Anak, dito ka sa aking tabi. Nandito ka na sa langit.”

Ang pahayag na nasa itaas ang patuloy kong pinanghahawakan ngayon sa buhay ko. Kahit minsan gusto ko na lamang takasan ang lahat at sukuan na ang mga problemang nararanasan ko pero dahil sa walang sawang pagmamahal Niya, walang sawang awa at grasiya, eto ako nagpapatuloy.

Alam ko sa kabila ng lahat ng mga pagsubok, problema na nararanasan ko ngayon mas hahayaan Niya akong lumago. Mas hahayaan Niya akong maging matatag. Alam ng Diyos kung gaano kahina ang aking puso pag may mga pagsubok na dumadaan. Napakabuti ng Diyos dahil hinahayaan Niyang mabasag ang puso na ‘yun, dahil sa pagkakabasag nun, bibigyan Niya ako ng panibagong puso na mas malago, mas matatag at mas matibay sa kahit na ano pang unos ang lumaon.

Hinayaan Niya kong iiyak na lang sa panalangin ang lahat. Dahil hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas kung paano malulutas ang mga problema na napagdadaanan ko ngayon. Hinayaan ko na lamang na Siya ang magsulat at kumontrol ng aking buhay, basta susunod lamang ako. Susunod ng may pagpapasakop, susunod na handang matuto at susunod na handang magbago.

Walang titigil, walang babagsak, patuloy akong lalaban.

Kapit lang.

ika-8 ng Disyembre taong 2016
featured image from: https://www.pinterest.com/teacheranne/holding-hands/
HUWAG KA NANG UMIYAK – Gary Valenciano
Wag ka nang umiyak, sa mundong pabago-bago
Pag-ibig ko ay totoo
Ako ang iyong bangka, kung magalit man
Ang alon ng panahon, sabay tayong aahon

Kung wala ka nang maintindihan
Kung wala ka nang makapitan
Kapit ka sa akin, kapit ka sa akin
Hindi kita bibitawan

Wag ka nang umiyak, mahaba man ang araw
Uuwi ka sa yakap ko
Wag mo nang damdamin kung wala ako sayong tabi
Iiwan ko ang puso ko sa yo
At kung pakiramdam mo’y wala ka nang kakampi
Isipin mo ako dahil puso’t isip ko’y
Nasa yong tabi

Kung wala ka nang maintindihan
Kung wala ka nang makapitan
Kapit ka sa akin, kapit ka sa akin
Hindi kita bibitawan

Hindi kita pababayaan
Hindi kita pababayaan

Kumapit ka, kumapit ka

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s