Proteksyon mula sa Diyos

2 Tesalonica 3:3 – Ngunit tapat ang Panginoon na magpapatibay sa inyo, at sa inyo’y mag-iingat sa masama.

December 18, 2016, Sunday

Pauwi na kami galing sa church at nag-aabang ng tricycle pauwi. Sa sobrang daming tao dahil Linggo ‘yun at isang linggo na lang bago mag-Pasko. Mula sa church hanggang sa may town center ay amin nang nilakad para makasakay ng tricycle. Nasa halos 600 meters na ang layo ng aming nilalakad ngunit lahat ng mga sasakyan ay puno at kung hindi naman ay ayaw sa aming paroroonan.

Tumigil muna kami sa paglalakad dahil bawat isa sa amin ay nakaramdam na ng bagot at pagod sa tagal at layo ng aming nilakad. Sabi namin dun na lang kami mag-abang ng tricycle, may darating naman siguro.

Dahil malapit sa u-turn slot yung pinag-aabangan namin nung mga oras na ‘yun may isang tricyle na walang sakay na pasahero na biyaheng pa-amin (Kasiglahan) ang nag u-turn at akin siyang tinanong kung siya ay tutungo sa lugar namin. Hindi siya sumagot, dahil siguro hindi pa siya nakakatabi sa gilid ng mga oras na yun. Hindi pa din nawala yung atensyon ko sa tricycle na yun. Nang biglang sumigaw siya ng “BUKID” at ako’y tumakbo papalapit sa tricycle na ‘yun.

Tamang-tama dahil tatlo kaming magkakasabay umuwi kaya naisipan kong sa backride kami uupo. Ako ang nauna na tumakbo upang hindi na kami maunahan ng iba pang mga pasahero.

Nang biglang…

May tricycle na mabilis ang takbo ang biglang bumunggo sa bandang kaliwa ko. Napadapa ako at naramdaman ko na lang na naipit na ‘yung kaliwang hita ko ng kaniyang kanang gulong. Mabilis ang mga pangyayari.

Nagpuntahan ang mga taong sa kung saan ako nadaganan ng tricyle na ‘yun. Tila namanhid na yung kaliwang parte ng katawan ko. Medyo may kalakihan ang gulong ng tricycle na ‘yun.. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Pero pinanatili ko lamang na kalmado ang aking sarili at tangin sambit ko lang ng oras na ‘yun ay “In Jesus’ Name” (“Sa pangalan ni Hesus!”). Sa ganung pagkakataon na nasa gitna ka ng kapahamakan Siya lang ang tanging naisip ko, dahil alam ko Siya lamang ang tanging magliligtas sa’kin.

Hanggang sa dinala na nila ako sa hospital upang masuri kung naging malala ang aking kaliwang binti. Habang nasa x-ray room ako at inaantay ang pagdating nung magsusuri sa’kin, umawit na lang ako sa Diyos at nanalangin. May takot akong nararamdaman sa aking puso ng mga panahong iyon. Kung anu-ano na ang aking naiisip kung maging malala at mapuruhan yung binti at paa ko. Hindi ako makakalakad, maaring hindi ako makapasok sa trabaho, baka malumpo ako, mawawalan ako ng silbi at higit sa lahat hindi ako makakatulong sa pamilya at sa ministeryo ko.

Ngunit sa tulong at proteksyon ng Diyos bugbog lang ang natama ng aking binti at mga paa. Ni wala akong galos o sugat na maaring maging bunga ng pagkakabunggo at pagkakadagan na ‘yun. Nagpahinga lamang ako ng ilang araw upang hindi na mapuruhan pa ang pagkakabugbog ng aking paa at binti.

Napagtanto ang ilang mga bagay sa’kin ang Diyos sa pagkakataon na ‘yun ng aking buhay

  1. Maging kalmado sa lahat ng pagkakataon at huwag hayaan na kainin ka ng takot na nararamdaman mo.
  2. Walang silbi ang panalangin kung mababalot lamang ang puso’t isipan mo ng takot.
  3. Maging positibo sa lahat ng pagkakataon kahit isipin pa ng mundo na napakapangit na ng isang panyayari. May pakay ang Diyos kung bakit Niya pinahihintulutan mangyari ang isang bagay lalo na ‘yung mga hindi natin inaasahan.
  4. May mga taong handa kang tulungan sa abot ng kanilang makakaya. Matutong pasalamatan sila at mas mahalin sila lalo.
  5. Hindi tayo hahayaang mapahamak ng Diyos. Tayo’y mga anak Niya na ni ayaw, masugatan at magalusan.

Hayaan nating sa bawat araw na magdaan ay ating isuot ang baluti ng proteksyon na nagmumula sa Kaniya. Tiyak na hinding-hindi tayo bibiguin ng Diyos at ibibigay Niya ang proteksyon at pagpapala na ‘yun sa’ting mga lingkod Niya.

Inside the x-ray room. Photo courtesy by Kuya Bryan Jess ☺ Glory to God sa buhay mo, Kuya.

15644638_10202643339361017_98502244_n.png

ika-2 ng Pebrero taong 2017
featured image from: http://weheartit.com/entry/5874967
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s