Sa ibibigay sa akin ng Diyos

Kumusta ka?
Nawa’y ika’y nasa mabuting kalagayan.
Nawa’y ika’y nasa piling ng Diyos.
Nawa’y ika’y nagpapagamit sa Kaniya.
Nawa’y ika’y patuloy na binabago Niya.

Pasensiya na.
Pasensiya na kung nagkamali ako noon.
Pasensiya na kung nagbigay ako ng oras sa maling tao
Na ang mga oras na ‘yun ay oras ko dapat sa Panginoon
Oras upang maglingkod
Oras upang magpatama
Oras upang mas papuruhin pa ang puso
Oras upang maging handa sa mga darating na panahon na makakasama ka

Pasensiya na kung natuon ang pansin ko sa taong yun kumpara sa Diyos
Na siya na lamang ang bukambibig ko
Na siya na lamang ang laging laman ng puso’t-isip ko
Na sa kaniya na lamang umiikot ang mundo ko
Pasensiya na, aking sinta…
Sa nagdaang sakit nung panahon iyon
Mas nakilala ko ang pag-ibig ng Diyos
Mas natuto ako dapat ibigin Siya higit man sa kanino man
Na sa Kaniya lang pala dapat umiikot ang oras ko
Na sa Kaniya lang pala dapat itutuon ang atensiyon ko.
Na Siya lamang ang laman ng puso’t isip ko
Na Siya lamang ang bukambibig ko.

Inahon Niya ako sa sakit na ‘yun..

Naglingkod
Nagpuri
Sumamba
Nagpapuro
Nagpatama
Nagpabago

Ngunit…

May nakilala na naman akong bago…

 

Ito na naman ako aking sinta..
Nagbibigay na naman ako ng oras, panahon at atensiyon ko sa kaniya
Hindi na ako natuto at nagtanda

Patawad… Nasasaktan na naman kita

Minsan pa nga sa bawat panalangin ko sa Diyos ito ang sambit ko:

“Panginoon, sana siya na lang po”

Pinagpupumilit ko sa Diyos na sana yung taong yun aking sinta ang ibigay sa’kin ng Diyos…

MALI PALA IYON..
Paumanhin
Patawad
Pasensiya

Na dapat matuto akong maghintay sa pagdating mo…

Pag-aantay na nagpapabago
Pag-aantay na nagpapapuro
Pag-aantay na nagpapatama
Pag-aantay na nagdididisipulo
Pag-aantay na naglilingkod
Pag-aantay na nasa Kaniyang ministeryo

At higit sa lahat,
Sa panahong inaantay kita

“MINAMAHAL KO PALA MUNA ANG ATING PANGINOON” AT HINDI ANG KUNG SINU-SINO

Pagmamahal na sa Kaniya ang lahat ng atensiyon ko
Pagmamahal na susunod ako sa Kaniyang plano
Pagmamahal na sa Kaniya ko iaalay lahat ng gawa ko
Pagmamahal na Siya ang uunahin kaysa sa mundo

Kung nasaan ka man ngayon, aking Sinta..

Sana’y mapatawad mo ako
Sana’y inaantay mo ako
Sana’y nasa hindi ka mainip sa pagdating ko

Kung napagdaanan mo din ang mga nangyari sa’kin, aking Sinta…

Maiintindihan kita
Walang problema sa akin iyon

Ang mahalaga
Mas natuto na tayo sa kung anumang naranasan natin noon pag tayo’y pinagtagpo na ng Diyos

Kung sino ka man, aking Sinta..
Asahan mo sa iyong pagdating..

Mamahalin kita sa bawat araw na magdadaan
Hindi ko hahayaan na mawala tayo sa landas ng Diyos
Sabay tayong maglilingkod sa Kaniya
Sabay tayong magpapalago
Sabay tayong magpapabago
Sabay tayong magpapapuro

Siya ang magiging sentro ng ating relasyon
Siya
At tanging Siya lamang

Nandito lang ako, aking Sinta

Inaantay ang ating pagtatagpo

Sana’y ganun din ako sa iyo…

ika-18 ng Pebrero taong 2017
featured image from: http://www.lovethispic.com/image/16271/sweet-wedding-day-kiss

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s